Sa pagpasok pa lamang makikita na rito ang ibat ibang silid-aralan ,opisina gaya ng registrar at accounting.
Ito ang aming chapel o bahay panambahan, dito kami'y nagdarasal at nagsisimba na kung saan pinapalakas nito ang buhay naming pang-espiritual at pananampalataya sa diyos.
Ang aming tinaguriang peace garden na kung saan maraming estudyante ang tumatambay dito dahil sa malamig at maaliwalas na paligid, kung minsan nagsisilbi itong lugar para mag-insayo sa mga proyekto gaya ng "role play" at kung gustong mag-picnic.
Ito ang aming library na kawili-wilihang puntahan naming mga estudyante na kung saan matatagpuan ang maraming iba't ibang klase ng libro sa kahit anong aspeto sa pag-aaral, linilinang nito ang ating imahinasyon at dinadala sa ibang lugar.
At kung pagkain naman ang hanap niyo magtungo lang sa aming napakalawak na kantina na kung saan makakabili ka ng iba't ibang uri ng pagkain may malamig, mainit, matamis at maaasim na katakamtakam na pagkain.
At kung sumama ang ating pakiramdam pagsusuka, pagkahilo, pananakit ng katawan at kung ano pa maaari mong puntahan ang aming clinic kung saan kumpleto ito sa gamit pang medisina at may lisensyadong manggagamot na iyong maaasahan.
At dito nagtatapos ang ating pamamasyal ilan lamang yan sa maituturing naming pinakamagandang lugar sa aming maituturing na pamilya at tahanan na pwede niyong puntahan, ang aming maipamamalaking paaralan.
Hanggang sa muli.
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento